AMOS
KALAGAYAN SA PANAHON NG PROPETA
Ito
ay panahon ng monarkiya ng Israel at Juda. Si Propeta Amos ay nabuhay sa
panahon ni Haring Uzias ng Judah (Timong Kaharian) at ni Haring Jeroboam II ng
Israel (Hilagang Kaharian). Ang panahon na iyon matatag ang sandatahan at
maunlad ang kabuhayan ng Israel at ng Juda. Sa ilalim ng pamumuno ni Jeroboam
II, ang mga muog na tanggulan ay pinatatag at pinalawak at ang mga mayayaman ay
nagpakasasa sa prosperidad ng bansa. Ang kaularan ay makikita sa mga kabahayan
na mamahalin at primera klaseng mga bato ang ginamit. Ngunit sa kaibla ng
pagiging matatag at maunlad ng Israel, simula sa hari at mga lider ay sumamba
sa mga diyus-diyusan ng mga Cananeo gaya ng naunang hari na si Jeroboam I (2Mga
Hari 14:24). Ang mga mayayaman naman, sa isang bahagi, ay naging palalo at
naging mga sakim. Dahil sa kanilang kasakiman kanilang pinahihirapan ang mga
mahihirap. Dahil dito laganap ang kawalan ng katarungan sa mga naaapi at mga
mahihirap. Dumating na ang panahon para ipaalam sa Israel ang kanilang mga
kasalanan. Ipinadala ng Diyos si Amos upang ipaalam ang darating na parusa
dahil sa kanilang mga kasalanan. Ngunit dahil sa walang hanggang katapatan ng
Diyos sa Kanyang tipan, ipapanumbalik muli Niya ang Israel.
LAYUNIN
- Ipaalam na katulad ng mga kalapit bansa, ang Israel ay parurusahan ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan kahit siya ay hinirang sa mga bansa.
- Ilahad ang mga kasalanan naging basehan ng kasiguruhan ng parusang darating sa Israel.
- Ihatid ang magandang balita na panunumbalik bilang bayan ng Diyos
BALANGKAS
1:1
PAGPAPAKILALA KAY AMOS AT PAGBIBIGAY NG KOMISYON
Si
Amos ay mamamayan ng Timog Kaharian (Judah) sa Tekoa. Ang kanyang trabaho ay
magparami ng mga tupa.
A. UNANG BAHAGI: Kabanata1:2-2:16 ANG HINDI BABAWIING PARUSA SA MGA BANSA AT
SA JUDA AT ISRAEL
Katulad
ng iba pang aklat ng mga propeta, ang paghahatol ng Diyos laban sa lahat ng
bansa ay karaniwang nilalaman ng mga ito. Isa na ang propesiya na ibinigay kay
Amos. Sa bahaging ito ipinasabi ng Diyos ng Israel na hahatulan ng Diyos ang
mga bansa nakalista mula sa 1:3 hanggang 2:16. Mayroong pitong na bansang
nakasulat na hahatulan ng Diyos. Ang unang anim ay ang mga bansang ng hahatulan ng Diyos at ang ikapito ay ang
dalawang kaharian ng Israel.
Ang
pananalitang "Sa tatlong kasalanan at apat ay hindi Ko babawiin ang
parusa" ay ang pagkakakilanlan ng aklat ng Amos pagdating sa paghahatol.
Ang bilang na "tatlo" na may kinalaman sa kasalanan ay nagsasalarawan
ng kasagaran ng kasalanan ng mga bansang nabanggit habang ang bilang na
"apat" ay ang nagsasalarawan na labis labis na kasalanan. Inilahad sa
bahaging ito ang mga kasalanan ng bawat bansa. Dahil dito sa pagsasalarawan ng
kasalanan ng mga bansang ito, ang paghahatol ng Diyos laban sa kanila ay
siguradong mararanasan kasama ang dalawang kaharian ng Israel.
Sa
listahan ng mga bansa na siguradong parurusahan ng Diyos, mapapansin na nasa
hulihan ng listahan ay ang hilagang kaharian ng Israel. Intensyon ng sumulat na
ilagay sa huli ang Israel (hilagang kaharian) sapagkat ang propesiyang ito ay
nakapokus sa Israel. Bukod inilagay sa huli ng sumulat ang Israel, ito ang may
pinakamahabang listahan ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansang nabanggit. Ang
paglapastangan sa tunay na Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa mga
diyus-diyosan at pang-aapi ng mga mahihirap ay ang kasalanan ng Israel (2:6-8).
Dahil dito parurusahan ng Diyos ang Israel kahit pa gumawa ang Diyos sa kanila
mula sa Ehipto hanggang Canaan (2:9-12). Walang makakatakas at makakapagligtas
sa Israel mula sa parusa ng Diyos (2:13-16).
B. IKALAWANG
BAHAGI: Kabanata 3-6 ANG MENSAHE NG
PAGHAHATOL LABAN SA ISRAEL
Sa
mga kabanatang ito, inilahad ang dahilan kung bakit hindi babawiin ng Diyos ang
parusa laban sa Israel. Ang una ay patungkol sa kasalanang ng Israel. Ano ang
kasalanan ng Israel na nagpaningas sa galit ng Diyos? Ang panawagan sa 5:24 na matuwid na pamumuhay
at pagbibigay ng hustisya sa mga naaapi ay nagpapakita ng kasalanan na ito. Ang
mga mayayaman sa Israel ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang pahirapan
ang mga mahihirap. Sila ay mas matindi pa sa pagpapahirap na ginawa ng mga taga
Asdod at Ehipto . Ang mga bansang ito ay pinahirapan ang ibang bansa ngunit
sila ay kapwa nila taga-Israel ang pinahihirapan at hindi binibigyan ng
hustisya ang mga naapi(4:1-3; 5:10-12). Dahil dito ang kanilang pagsamba ay
isang paimbabaw na pagsamba. Pagsamba na hindi katanggap-tanggap sa Diyos.
Paano tatanggapin ng Diyos ang kanilang pagsamba, paghahandog, pagdirawang ng
mga pista, at mga awitan (4:1-3; 5:26) kung hindi nila sinusunod ang utos ng
Diyos na maging matuwid at magbigay ng hustisya para sa mga mahihirap.
Alalahanin na nagbigay ang Diyos ng batas para sa mga mahihirap at mga api (Deut
Pangalawa,
nais ng Diyos na talikuran ang kanilang mga kasalanan. Maliban na magbigay ng
babala ang Diyos, hindi Niya parurusahan ang Kanyang bayan (3:2-8). Dalawang
paraan ang ginawa ng Diyos upang himukin sila na tumalikod sa kanilang mga
gawa. Ang una ay ang negatibong pamamaraan
upang malaman nila na sila ay nagkakasala at tumalikod sa kasalanang
kanilang ginagawa. Nagpadala ang Diyos ng tag-tutom, tag-tuyot, mga peste sa
kanilang mga pananim, mga salot gaya ng pamamaraan na ginawa sa Ehipto, at
pagwasak gaya ng Sodoma (4:6-11). Sa kabila nito ay hindi tumalikod ang mga taga-Israel (4:11b). Ang pangalawa
pamamaraan upang himukin silang sa pagtalikod ay ang paanyaya na hanapin ang
Diyos at ang paggawa ng kabutihan upang mabuhay (5:4,6,14) ngunit hindi pa rin
sila tumalikod sa likong pamumuhay at kawalan ng hustisya para sa mga naaapi.
Dahil
dito ang banta ng pagkawasak sa Israel ay hindi na babawin ng Diyos. Ang
katagang "Maghanda na sila para humarap sa Diyos" (4:12) ay katagang
pagbabanta dahil sa hindi nila pagtalikod sa kanilang kasalanan. Ang bantang
pagkawasak ay inihayag din sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Diyos bilang
Panginoong Diyos ng Hukbo (4:13; 5:14, 27; 6:8, 14). Hindi na babawiin ng Diyos
ang parusang daranasin ng hilagang kaharian (Israel) kahit pa ito ay Kanyang
hinirang mula sa mga bansa. Sila ay ibabagsak ng Diyos at walang tutulong sa
kanilang pagkawasak at lahat ng mayroon sila ay aalisin sa kanila (5:1-3; 6;8).
Wawasakin ng Diyos ang Bethel, ang lugar kung saan ang paimbabaw na pagsamba ay
ginaganap (3:14; 4:4-5; 5:6-7) at ang mga pagmamay-ari ng mga mayayamang
namumuhay ng laksang pamumuhay (3:15). Kahit pa ang kanilang matibay na moog ay
wawasakin ng Diyos (5:9) maging sa kanilang pakikidigma sila ay magiging
talunan (5:3). Paano ito gagawin ng Diyos ang parusang ito. Ang parusa laban sa
hindi pagtalikod sa kanilang kasalanan ay sa pamamagitan ng isang malakas at
masamang bansa. Gagamitin ng Diyos ang Emperyo ng Asirya para wasakin ang
Israel at ipatapon sa lugar ng Damasco sa Sirya ang mga mamayan ng Israel
(5:27).
Ang
panahon ng pagwasak sa Israel ay tinatawag na
Ang Araw ng Panginoon (5:19-20). Ito ay araw ng kadiliman para sa
Israel. Ang mga larawan ng walang kawala sa parusa sa Araw ng Panginoon ang mga
Israel. Sa ikaanim na kabanata inihahayag ang kasiguraduhan ng kaparusahan
laban sa mga hangal, mayayaman, at nang-aapi ng mga mahihina at mahihirap. Ang
panunumpa ng Diyos sa Kanyang sarili (6:8) ay naghahayag na sigurado na ang
parusa laban sa pagiging arogante ng Israel. Isinasalarawan dito ang kawalan ng
halaga ng mga bagay na kanilang tinayo gaya ng pinagmamalaki nilang mga moog,
mararangyang mga kabahayan, at iba pa. Ang lahat ng mga ito ay wawasakin ng
Diyos. Matatapos ang masasayang araw ng mga mayayaman sapagkat sila ay itatapon
bilang mga bihag. Ang pagkawasak at pagkakabihag ng Israel ay natupad noong
722B.C. sa ilalim ng Imperyong Asirya.
C. IKATLONG BAHAGI: Kabanata 7-9:10 ANG MGA PANGITAIN
Ang
planong parusa laban sa Israel ay inihayag sa mga pangitain ni Amos sa tatlong
huling kabanata. Sa unang kabanata mayroong tatlong pangitain: ang pagdating ng
mga balang; ang pagpapadala ng apoy; at ang hulog (panukat).
Ang
unang dalawang pangitain ay magkaugnay. Ito ay pamamaraan ng Diyos para
parusahan ang Israel. Ang taggutom na sinisimbolo ng pagdating mga balang at
ang apoy ng pagwasak ng ng mga Israel ang gagamitin ng Diyos (7:1, 4). Ngunit
ang mga ito ay hindi gagamitin ng Diyos bilang parusa. Ang panalangin ni Amos
na ihinto ang mga ito ay nagpabago sa isip ng Diyos upang hindi gamitin ang mga
ito bilang parusa (7:2-3, 5-6). Ngunit ano nga ba ang gagamitin ng Diyos na
parusa para sa Israel? Ang ikatlong pangitain na "hulog" ay
nangangahulugan na hahatulan ng Diyos ang Israel ayon sa Kanyang panukat. Ang
panalangin ni Amos ay hindi nangangahulugan na hindi na parurusahan ang Israel,
kundi sinasabi ng Diyos na hindi sa pamamagitan ng mga balang at apoy
parurusahan ang Israel kundi sa pamamagitan ng espada (7:9).
Dahil
sa propesiya na si mamatay si Jeroboam II (hari ng Israel) sa pamamagitan ng
espada, itong si Amazias na galit kay Amos dahil sa propesiya laban sa Israel.
Nais ni Amazias na siya ay tumigil at bumalik
ng Juda at doon magpropesiya. Ngunit ipinagpatuloy ni Amos ang
pagpopropesiya laban sa Israel. Ang kabuuan ng propesiya laban sa Israel ay
inilatag sa 7:16-17. Ang Israel ay magiging bihag at itatapon sa ibang lugar
(7:17).
Ang
ikawlawang pangitain ay ang mga prutas sa basket (8:1). Ito ay nagsasalarawan
sa parusa laban sa Israel (8:2). Sa Araw ng Panginoon magwawakas ang kasiyahan,
selebrashon at mga paimbabaw na pagsamba. Isinalarawan sa propesiya ang
mangyayari sa araw na iyon na puno ng kalungkutan at pagdadalamhati. Ang mga
araw sa panahon na iyon ay mapait (8:5-6, 8-12). Ito ay siguradong magaganap na
ipinapakita ng panata ng Diyos na hindi Niya kakalimuta ang alinmang gawa ng
Israel (8:7). Inilahad din dito ang taggutomhindi sa pagkain kundi sa salita ng
Diyos. Ito ang panahon na kahit hanapin nila ang Salita ng Diyos ay di nila
matatagpuan (8:11-14). Walang propetang ipapadala ang Diyos para sa kanila. Ito
ay parusa laban sa hindi nila pagtalima sa sinasabi ng mga propeta. Kahit pa
nais nilang tumawag sa Diyos ay walang tugon ang Diyo sapagkat hindi nila
pinakinggan ang Diyos. Dahil sa kawalan ng Salita ng Diyos, ang bansang Israel
ay babagsak at hindi mkakabangon muli (8:14).
Ang
ikatlong pangitain ay ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng altar (9:1).
Inihayag ng Panginoon ang kasiguruhan ng parusang mararanasan ng Israel dahil
sa kanyang kasalanan (9:8a). Ang parusa laban sa Israel ay pagwasak sa kanila.
Ngunit hindi sila wawasakin ng buo. (9:8b) ngunit ang mga naniniwalang hindi
sila parurusahan ng Diyos ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak.
C. IKAAPAT NA BAHAGI: Kabanata 9:11-15 ANG PANGAKONG PAGBANGON NG ISRAEL
Sa
kabila ng kasiguraduhang parusa ng Diyos laban sa Israel, mayroong pag-asa na
ibabangon muli ng Diyos ang bansang Israel. Ang pagbangon ng Diyos sa Israel ay
katuparan ng pakikipagtipan kay Abraham kung saan ang Israel ay magiging
pagpapala sa mga bansa (9:11-12). Isinlarawan sa 9:13-15 ang pangakong
panunumbalik ng Israel bilang bayan ng Diyos.